Followers

10 August 2020

Liham Mula kay M

 Liham Mula kay M

ni Amy Luz U. Catalan

 

Habibti, 

Kayf halik eazyzi? Aftaqadak!

'Ana alan fi Malizia , 'Adris lilhusul ealaa barnamaj majstyr. 'Ana bialqurb min alfalbayn wa'arid 'an 'arak. 'urid muqabalat eayilatak eaziziun , Hal tastatie almaji' 'iilaa Malyzia? Zawjati laysat huna. aihtajik huna. yrja alaitisal bi ealaa hadha alraqm 0160*******.Mahal kita.

                                                                                                             'Ahabik, Mohd

“Beshie, paano nya nalaman ang e-mail address ko? Ang lokong yun, akala nya siguro madadala ako sa pakain nya sa bahay nila. Naku, ano na lang ang sasabihin ng asawa nya, ni Sahra. Kaibigan ko pa naman yun,” ang tila walang hingang sabi ko kay Mia, ang aking beshie.

“Marunong ka bang magbasa ng Arabic?,” ang tanong niya.

“Naku, konti lang ang alam ko na Arabic,” sagot ko naman.

“I-google translate mo na lang kaya?,” sabi ulit ni Mia.

“Teka lang. Naku binigyan pa ako ng problema nitong si M, eh,” sabi ko naman kay Mia habang binubuksan ko ang Google sa aking laptop. “O, eto na. Makinig kang mabuti at babasahin ko sa yo, ha,” ang sabi ko, sabay hinga ng malalim.

Habibti, (“Habibti ka dyan!”)

 How are you, my dear?  (“Dearin mo ang mukha mo!”) I miss you! (“Aba ang kumag na ito, parang nag-usap lang kami dun sa bahay nila, at pinakain lang ako, miss na ako agad?”)

 I am in Malaysia now, studying for a Master's program. (“Eh, ano ngayon?”) I am near the Philippines and I want to see you. (“Aba, talaga namang diretsahan na ito.Bakit gusto mo akong makita, loko ka.”) I want to meet your family. (“Bakit nga?”) My dear, can you come to Malaysia?  (“No way, Jose!”) My wife is not here. (“Putain de cretin! Ang sarap mong isumbong kay Sahra.”)  I need you here. (“Siraulo mo!”) Please call me at this number 0160*******.  Mahal kita! (“Hahahahaha! Sino ang nagturo sa lalaking ito ng Tagalog?”)

                                                                                                                             Loving you,  Mohd

 

“HAHAHAHAHA! Ano ba ‘yan? Uyyyyy, kinikilig sya!,” ang malakas na tawa ni Mia sabay ang pang-ookray nang natapos kong basahin ang e-mail galing kay M. 

“Huwag kang ganyan, besh. Alam mo bang inimbitahan ako ng kaibigan ko sa bahay nila nung nandoon ako sa Sharja? Kaibigan ko at kasama sa trabaho si Sahra. Tapos, yung asawa nyang si M, meron pang isang asawa na doon din nakatira sa bahay. Unang asawa si Sahra at magkasama sila sa iisang bahay ng 2nd wife. Nasa 1st floor yung ikalawang asawa. Si Sahra naman at ang kaniyang mga anak nasa 2nd floor.  Si M naman ay may sariling kwarto. Nung inimbitahan ako ni Sahra sa bahay nila nung pagkatapos ng Ramadan, sabay-sabay kaming kumain. Walang imikan ang dalawang asawa. Yung si M ang kakwentuhan ko. Marami syang ibinigay na pagkain sa akin. Tikman ko raw lahat. Naasiwa ako dun sa dalawang babae. Hindi kaya balak akong gawing pangatlong asawa ng lokong ‘to?,” ang pabiro kong sabi kay Mia. 

“Huh? Bakit mo naman nasabi yan, besh? Nag-ooverthinking ka na yata, eh”, ang sabi naman nya.

“Masarap ang buhay dun. Halos libre ang lahat para sa mga local. Binabayaran pa sila ng gobyerno para sa pag-aaral at pagpaparami ng mga anak nila, mula apat hanggang kaya pa.  O di kaya’y paramihin ang mga asawa basta kayang bigyan ng equal shares: bahay, pera, kotse, mga alahas.  EQUAL dapat”, dinagdagan ko pang paliwanag sa aking beshie.

“O, ‘yun naman pala, eh. Baka naman pwede kang maging 3rd wife? Huwag ka na kasing choosy," ang patuloy na biro ni Mia.

“ Umuwi na nga ako sa Pilipinas para hindi maging 3rd wife, nya di ba? Mahirap. Hindi ako sanay na may kahati ako sa pagmamahal ng isang lalaki. Charot! Hindi nga, gusto ko akin lang. Ang selfish 'no?  At hindi ako makatagal sa sand storms doon. Inaatake ako ng allergic rhinitis at madalas na nagkakasakit. Mahirap pa naman ang magkasakit doon. Walang nag-aalaga sa akin. Ako rin ang nagluluto ng mga pagkain ko at bumibili ng mga gamot. Malungkot,” ang sabi ko na may pagka-nostalgic pa sa lugar na iniwan ko nang lubusan.

“O siya, sige na hindi na ako magtatanong tungkol dyan. Basta, kausapin mo sya, para alam niyang ayaw mo sa kanya. Syang pala bakit Mohd ang nakasulat sa e-mail at hindi ang buong pangalan?," ang tanong ni Mia.

“Oo na. Ah, hindi nila dapat ginagamit ang pangalan ng kanilang propeta lalo sa ganitong kalokohan kaya Mohd lang ang nakasulat. Hahaha. Hindi biro lang. Ganyang ang trip nya eh. Teka lang, may kumakatok sa pinto. Si manang Rosa pala. Luto na raw ang pananghalian. Ang sabi ko, susunod ako at may tinatapos lang akong trabaho,” sabi ko kay Mia sabay paalam na sa phone.

Nang lumabas ako ng kwarto, may isang box akong nakita sa mesa. Tinanong ko si manang kung kanino galing. 

“Ay, inday, hinatid yan ng lalaking naka-uniform ng LBC”, sagot ni manang. 

“Hmmm…wala naman akong ini-expect na package ngayon”, sabi ko sa aking sarili. “Teka, tingnan ko nga ang nakasulat sa kahon. Galing sa Malaysia. Walang nakasulat na pangalan ng sender, pero sa akin nakapangalan na recipient.  Ano kaya ito?  Hindi kaya bomba? Naku, sino naman ang magpapadala ng bomba sa akin? May nakaaway ba akong terorista na hindi ko alam?”,  ang tanong ko sa sarili.

“Sin-o man day ang gina-kausap mo?,” pagtatakang tanong ni manang.

“Ah, wala po, manang. Nagra-rap lang ako,” sagot ko naman sa kanya. 

BINUKSAN ko nga ang kahon na may logo ng LBC. 

“Hindi man lang nilagyan ng exact address kung saan galing. May suspetsa akong galing din ito kay M”, sabi ko naman sa aking sarili. 

“Manang!,” napasigaw ako na hindi ko maintindihan kung dahil sa inis o takot, o sa pagkabahala.

“Ay nano man, day, ang ginasigaw nimo?,” halos hinihingal na tanong ng aming kasambahay. 

“Si M. Ang mokong na yun. Paano nalaman ang address ng bahay natin? At bakit nagpaparamdam ngayon pagkatapos ng isang taong na hindi nga kami nag-uusap or nagtatawagan man lang? Bakit may singsing dito sa maliit na kahon?,” parang naubos ko na yata ang lahat ng tanong.

“Day, may sulat diri hu,” buti pa si manang at nakita agad ang sulat na nakadikit sa isang gilid ng kahon.  

Agad ko namang tinawagan si Mia para ibalita sa kanya ang natanggap kong “regalo”. 

“Ang nasa isip ko, baka may nangyari sa kaibigan kong si Ibtisam kaya’t sumulat si M. Pero maraming tanong ang sumagi muli sa isip ko, lalo na yung singsing. Nagpo-propose kaya ang lokong ito?”, tanong ko kay Mia.

“Buksan mo na nga kasi. Pati ako parang mahihimatay na sa excitement,” sabi ni Mia na naiirita na ang boses. 

“Eto na, dahan-dahan kong binuksan ang sulat sa hindi ko maintindihang kaba ng dibdib. Sana walang nangyari kay Ibtisam, pero bakit singsing?,” tanong ko naman kay Mia.

“Basahin mo na nga kasi ang sulat!,” ang sigaw ni Mia.

 Halos masamid ako nang makita ko ang nakasulat:  “ تزوجيني “. 

“Arabic na naman!,” sigaw ko rin kay Mia. 

“Marry me!,” ang mahinang sabi ko sa kanya pagkatapos i-translate ang maliit na sulat na yun. 

“It took him a year to tell you that?,” tanong ni Mia.

“Oo, minsan matagal pa nga. Kapag ibang lahi ang gusto nilang pakasalan, nagpapaalam pa sila sa Sultan nila,” paliwanag ko kay Mia.

“Walang return address. At paano ko ibabalik ang singsing na ito. Teka, ipatingin ko muna sa pawnshop kung totoo ito. Baka niloloko lang ako ng mokong na yun. Hindi naman sa gusto kong maging asawa nya, pero ibang level na ito kung gagawin nya akong tanga,” ang dugtong ko pang sabi kay Mia. 

“Ano’ng gagawin mo ngayon? Wala namang return address, di ba? Tawagan mo na lang kaya?,” ang suggestion ni Mia. 

“Yun na nga lang, tatawagan ko bukas. Maghahanda muna ako kung ano ang sasabihin ko para hindi sya mapahiya sa sarili nya dahil sa ginawa nya. Sasabihan ko na rin na hindi ako magsusumbong kay Ibtisam para hindi na sumama ang loob ng kaibigan ko, tutal wala namang mangyayari sa amin ng sira-ulong bana nya,” ang sabi ko kay Mia.

“Eh, paano yung singsing?,” tanong ni Mia.

“Itatago ko na lang. Baka bawiin din sa akin kapag sasabihan kong hindi ako interesado na maging 3rd wife nya,” isang mahinang sabi ko, parang pagod na sa ganitong scenario. 

SABADO na ng umaga ngunit hindi pa rin ako nakakatawag kay M. 

“Huwag ko na lang kayang pansinin? Mawawala rin yan. Titigil rin yun kapag hindi sya pinansin. Ganyan naman sila, basta huwag lang i-encourage para hindi na mag-isip na may gusto ka rin sa kanila,” sabi ko naman sa sarili ko.

At isang Linggo na nasa bahay lang ako, tinawagan ko na nga si M. 

“Asalam Alaykum, M. How are you? I’m glad that you’re taking MA over there. How’s Sahra ? How are your families?,” emphasis on FAMILIES talaga, sabi ko sa kanya.

“Alaykum Asalam, Yela. So, many questions habibti,” heto na naman tayo sa habibti. 

“M, please don’t call me that. You know it’s not proper and it’s not true,” paliwanag ko sa kanya. 

“Oh, habibti. You know, I love you,” ang sabi na naman ng loko. “You are my moon”.  Naks, may pagka-romantiko talaga ang isang ito. 

“M, Sahra is my friend. Besides, I don’t love you like that. I love you like a brother,” mali yata ang pagsabi ko ng love at M sa iisang sentence. 

“You see, you love me,” talagang matigas ang ulo.

“I don’t want to be your 3rd wife, M,” bulalas ko. Natigilan ang kausap ko sa kabilang linya. “How can I return the ring to you?,” agad-agad na tanong ko. 

“Keep it. My gift to you,” malungkot na sabi nya. Ipinaliwanag ko na hindi ko pwedeng itago ang singsing. Hindi ko gusto.  

“Then, throw it away. It’s 24k and expensive. If you don’t want it, throw it away,” may halong pagkakainis na sabi nya.

“No, M, give me your address and I will send it back. If not, I will send it to your home address where Sahra will get it,” nasabi ko na medyo may pananakot.  

“No, please, habibti. Don’t sent it to my home address. My wife will ask so many questions about the ring. She will kill me if she finds out that I proposed to you,” ang paki-usap ni M sa akin. 

“Alhamdullilah! M, you are so bad! I will not tell your wife about this because I love her as my dear friend . You’d better do something about that itch of yours!,” ang tila pasigaw ko na sabi sa kanya. 

Pagkabigay ni M ng kanyang address sa Malaysia, agad akong tumungo sa opisina ng LBC para mapadala ang singsing pabalik sa kanya. Hindi ko na hinintay na mag-umaga na naman.

 

No comments:

Love and Light: A Memoir

 Love and Light: A Memoir on Empowerment and Enlightenment My name means "love and light." I've realized why I had to go throu...