Followers

30 May 2021

Maybahay

 Maybahay

 ni Amy Luz U. Catalan

 

Early pa                                                          

siya mabugtaw

magluluto ng

sinangag, bacon

at scrambled eggs         matimpla ng 

                                      coffee with cream

                                      para sa bana

 pagkatapos idul-ong

ang mga kids

sa school                       manghimos ng kalat

                                      manghalay ng labada

 

sa afternoon mga anak

naman ang pupunponin

mula sa playground       busy sa maghapon

                                      walang pahuway

                                       walang siesta

 

ngunit walang reklamo

kayod lang sa bahay

para sa iya pamilya          pag-alas 6 ng gabi

                                         tapos magluto

                                         sang panyapon

 ready na ang sarili

sa pagdating ng bana

"Kumusta ang darling ko?"

"Kapoy ka kaya sa trabaho?"   tapos halukan si misis

 na galing sa obra

 mang-agda na si mister

                                                 para kumain ng supper na

                                                 gin-prepare nya.

Ano ba...!

 

Ano ba…!

 ni Amy Luz U. Catalan

 

“witiwew!!!”

isa pa ulit

habang dumadaan

araw-araw na lang

 

parang mga ibon

mga uwak nga lang

na parang gutom

pag nakakakita ng babae

maski hindi pa nakapalda

 

“witiwew!!!”

isa pa ulit

ayaw tumigil

tawag pansin eh

 

at ang babae

dahil puno na

bigla na lang

may lumipad na bato

sa gitna nila

 

ang mga lalaki

parang mga uwak

hindi na nakaimik

walang nang “witiwew!”

 

ang babae

hindi na kailangang

magbitbit

ng malaking bato

sa paglalakad nya

sa kalsada

 

Pabili ng Buwan

 Pabili ng Buwan

 

ni Amy Luz U. Catalan

 

May isang mamshie

Nagsabi sa isa pa

“Ambisyosa nya naman!”

“May Guess na bag sya!”

 

“Aba’t sinong nagsabi?”

Ang tanong ni ‘ambisyosa’

“Afford nya naman,”

Sabi ng kanyang beshie.

 

At ang mga mamshies

Muling nagsalita:

“Ang sapatos ay leather

“Genuine” ba talaga?”

 

Sagot naman ni beshie:

“Bagay na bagay sa kanya,

ang mga gamit nya’y

de-kalidad.”

 

May napansin na naman

Ang mga mamshies:

“Aba! si ‘ambisyosa’

Nagliwaliw na naman?”

 

Sumigaw na si beshie:

“Ay oo naman!

Pumunta sya kay oppa,

Gamit ang datung nya!”

Ang Huling Awit

 

Ang Huling Awit

 ni Amy Luz U. Catalan

 

Sa umaga

Ginigising sila ng boses nya

Lumilipad ang melodiya

Sumasabay sa hangin

At may alingawngaw pa

 

Mapapatigil ang mga trabahador

Pati na ang mga nagtitinda

Para bang mga estatwa

Na hindi kumikilos sa lugar nila

 

Sa gabi’y maririnig din

Parehong boses pa rin

Ngunit ito’y hibik na mahina

At muli’y titigil sila

 

Susunod na umaga’y aawit muli

At sa gabi’y hihikbi

Titigil ang lahat para makinig

Ngunit sila’y walang gagawin

 

Paulit-ulit sa umaga

Paulit-ulit sa gabi

Makailang beses nilang naririnig

Ngunit hindi sila nagtatanong

 

Nang hindi na umawit

At hindi na rin nahikbi

Saka lang sila umimik

“Anyare, sa umaawit na babae?”

 

Isang miron ng barangay

Ang sumagot sa tanong

“Ayun naka-eskapo,

Mabilis pa sa alas-kwatro ang takbo!”

Babae sa Magasin

Babae sa Magasin

ni Amy Luz U. Catalan

 

“strike a pose!”

isa dalawa tatlo

utos ng potograper

lahat ng ilaw nakatutok

maliwanag at mainit

 magpo-pose din ang modelo

parang tuod

hihintaying utusan muli

 iaayos na parisukat

ang katawan at ang leeg

ang mga braso at mga binti

nakatingin sya sa kamera

nakatutok ang mga mata

walang kinang at sigla

 “strike a pose!”

isa dalawa tatlo

ilang ulit ang sigaw

hindi na sya gumagalaw

 parang pigura na waks

sa init ng mga ilaw

unti-unting nalulusaw

ang mukha at katawan

 

26 May 2021

Love and Light: A Memoir

 Love and Light: A Memoir on Empowerment and Enlightenment My name means "love and light." I've realized why I had to go throu...