Ang Huling Awit
Sa umaga
Ginigising sila ng boses nya
Lumilipad ang melodiya
Sumasabay sa hangin
At may alingawngaw pa
Mapapatigil ang mga trabahador
Pati na ang mga nagtitinda
Para bang mga estatwa
Na hindi kumikilos sa lugar nila
Sa gabi’y maririnig din
Parehong boses pa rin
Ngunit ito’y hibik na mahina
At muli’y titigil sila
Susunod na umaga’y aawit muli
At sa gabi’y hihikbi
Titigil ang lahat para makinig
Ngunit sila’y walang gagawin
Paulit-ulit sa umaga
Paulit-ulit sa gabi
Makailang beses nilang naririnig
Ngunit hindi sila nagtatanong
Nang hindi na umawit
At hindi na rin nahikbi
Saka lang sila umimik
“Anyare, sa umaawit na babae?”
Isang miron ng barangay
Ang sumagot sa tanong
“Ayun naka-eskapo,
Mabilis pa sa alas-kwatro ang takbo!”
No comments:
Post a Comment