Followers

10 August 2020

Buwan

 gusto nyo bang sumama sa buwan? ðŸŒ™

 

parang gusto ko na lang pumunta sa buwan!

doon ay tahimik at walang gulo

kung mag-iisa lang ako

malawak ang papasyalan 

na walang pangambang may makanti ako

o may masabing gagamitin laban sa akin

doon ay walang tatawag sa akin na nanggugulo 

o di kaya'y reklamo ng reklamo

tungkol sa lumang pagbabago

dahil doon wala naman akong pangulo

malayo ang buwan mula sa mga gustong sikilin

ang aking tunay na karapatang pantao 

at pati na rin ang aking totoong pagkatao

doon ay hindi aabot ang pananakot

ng isang estadong madalas ay lasing

sa kapangyarihang pulpol at nagtatapang-tapangan

doon sa buwan hindi mapapawi ang lakas ko

dahil dito ko kinukuha ang ritmo ng oras 

ng aking diwa at katawan

hindi magagapi ng anumang karahasan

dahil doon sa buwan 

maaari akong maging walang-maliw 

at patuloy na lumalaban

No comments:

Love and Light: A Memoir

 Love and Light: A Memoir on Empowerment and Enlightenment My name means "love and light." I've realized why I had to go throu...